Monday, April 27, 2009

Erap and the Church

Marami nang artikulo ang nailabas at nabasa, marami nang nagsalita, at marami nang reaksyon ang ating napakinggan at nakita. Sino ba ang dapat nating pakinggan at paniwalaan? Ang mga nasa Simbahan ba, o ang mga taong naniniwala sa kakayahan ng dating pangulong Joseph Estrada?

Ayon sa lumabas na isyu, ilan sa mga namumuno sa Simbahan ay nagsasabing hindi na dapat tumakbo and dating pangulong Joseph Estradasa darating na eleksyon sa 2010. May ilan ding nagsasabi na dapat miya munang pagisipan ang pagtakbo para sa ikabubuti ng kanyang sambayanan at hindi para sa sariling kagustuhan lamang.

Ayon sa 1987 Saligang-Batas ng Republika ng Pilipinas, sa Artikulo II seksyon 6: hindi dapat labagin ang pagkakahiwalay ng Simbahan at ng Estado. Ito ay nangangahulugan lamang na kung ano man ang maging desisyon ng Estado, ito ay hindi na sakop pa ng Simbahan.

Kung maraming mamamayan naman ang naniniwala sa kakayahan ng dating pangulong Joseph Estrada, bakit pa kailangang pigilan ang pagbabalak na tumakbo sa darating ne eleksyon kung ang hangad niya lamang ay kabutihan at pagbabago?

Sino nga ba ang dapat pakinggan at paniwalaan: Ang Simbahan o ang nakararami?

No comments:

Post a Comment