Saturday, June 13, 2009

Sa Ikalawang Pagkakataon

Maraming mamamayan ang nagsasabing hindi na dapat pang tumakbo si Joseph Estrada sa darating na eleksyon sa taong 2010. Sa anong kadahilanan? Sinayang lang daw niya ang pagkakataong binigay ng nakararami na magbigay ng mgandang serbisyo sa publiko, na mapatunayang karapat-dapat siya sa posisyon bilang pangulo ng bansa. Ngunit hindi natin naiintindihan at patuloy tayong nagiging bulag sa naging katayuan niya ngayon.

Mula noong maupo siya sa pwesto bilang pangulo, may mga patago nang nagpaplano upang matanggal siya sa pwesto. Hindi pa man tapos ang termino niya, madami na agad mga paratang sa kanya. Halatang pinag-aralan lahat ng mga kilos at galaw niya upang mahanapan siya ng butas at mapatalsik siya sa pwesto. Sa madaling salita, hindi siya nabigayan ng pagkakataong mapatunayan ang pagiging mabuting pangulo niya sa atin. Ngunit ganoon pa man, nakita natin ang ilang mabuti at magandang pagbabago sa bansa.

Sa kabilang banda, bakit hindi natin siya bigyan ng isa pang pagkakataon na maging pangulo ng bansa? Madami na din naman siyang nagawang maganda sa ating bayan. Hayaan nating maipagputuloy niya ang nasimulan niya noon. Malamang sasabihin niyo na ayaw niyo sa kanya dahil korap siya, hindi siya makakatulong sa bansa, at iba pa. Bkt, sinong pangulo ba ang hindi korap? Wala naman di ba? Kaya lang naman ganoon ang reaksyon ng ibang tao kay Erap ay dahil sa paninira ng mga taong nagpatalsik sa kanya na hanggang ngayon ay hindi na naalis sa isipan ng mga mamamayan, lalong lalo na sa mga kabataan.


No comments:

Post a Comment