Noong ika-29 ng Abril taong 2009, lumabas sa Probe Team ng ABS-CBN ang "Erap City" kung saan nagbigay ng mga pahayag amg mga iskwater na nailipat sa Kasiglahan Village Rodriguez Rizal mula sa Maynila noong taong 2000. Idinaing ng mga tao ang mga kakulangan ng pabahay. Ayon sa mga residente para itong "Kahong walang laman" kung saan ito'y hindi nila inaasahan. "walang kubeta, walang lababo, walang tubig at ang baho-baho", ani Sarah, isang residente.
Higit na sa 8000 pamilya ang naninirahan dito ngayon at mas naghihirap sila. Paano nga daw ba sila makakpag aplay ng trabaho kung ang kaya lang nila ay pagbobote at dyaryo. Isinisisi naila sa gobyerno ang kahirapang tinatamasa nila hinggil sa pabahay na ito. Hindi man nila mismo sinabi na "Kasalanan 'to ni Erap!", ngunit parang ganoon ang lumalabas na nangyari sapagkat iyon ay pabahay ng dating pangulong Joseph Estrada.
Hayaan niyo po akong ibigay ang aking opinyon at saloobin ukol dito sa mga pahayag ng mga residente ng "Erap City".
Unang-una, naging proyekto ito ni Erap noong siya ay nanunungkulan pa sa Pilipinas. Ngunit ano ba ang ginawa sa kanya?! Siya ay tinanggalan ng kapangyarihan na mamuno sa Bansa, kung kaya't hindi na niya naasikaso ang "Erap City". Hindi naman tamang palabasin na ang nangyari sa mga residente ng Erap City ay kakulangan ni Erap. Ito ay kapabayaan ng kasalukuyang gobyerno.
Sa kabilang banda, ang mga negatibong pahayag ng mga residente na sa aking palagay ay hindi patas. Sabihin na nating sila ay nabigyan ng bahay ngunit marami pa ring kulang sa kanilang pangangailangan. Kung isa man ako sa mga iskwater na napabilng sa mga nabigyan ng bahay, ako ay magiging kontento at lubos na masaya. Ako ay magsisikap upang mapunan ang mga pagkukulang ng gobyerno. Hindi yung ako na nga ang natulungan, ako pa ang nagagalit at nagrereklamo.

Nais ko lamang maipahatid sa publiko ang aking opinyon hinggil sa isyung ito.

No comments:
Post a Comment